Isko Moreno, hindi aatras sa kanyang kandidatura

Isko Moreno, hindi aatras sa kanyang kandidatura

HINDI pa rin aatras si presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno sa kandidatura nito.

Ito’y sa kabila ng mas marami pang nagsilipat na mga supporter niya kay Vice President Leni Robredo.

Hindi rin nakuha ni Moreno ang endorsement ng One Cebu Party.

Sa latest survey result ng Publicus Asia, nakakuha lang ng 9% si Moreno.

Ang naturang survey period ay mula March 30 hanggang April 6, 2022.

Samantala, binigyang linaw ni Moreno na wala siyang galit sa ibang kandidato na kapwa niyang tumatakbo sa pagkapangulo.

Ayon sa alkalde, tumatakbo siya sa mataas na posisyon upang makatulong na makapagbigay ng solusyon sa problema ng bansa.

Sinabi pa ni Moreno na ini-aalay niya ang kanyang sarili para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Mali rin aniya ang awayan na kalimitang nangyayari tuwing eleksiyon dahil ang pagtakbo ng mga politiko ay para sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Ipinunto pa nito na hindi awayan ng kulay ang eleksiyon kundi away ito laban sa mga suliranin na kinahaharap ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter