BINIGYANG linaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang galit sa ibang kandidato na kapwa niyang tumatakbo sa pagkapangulo.
Ayon sa alkalde, tumatakbo siya sa mataas na posisyon upang makatulong na makapagbigay ng solusyon sa problema ng bansa.
Sinabi pa ni Moreno na ini-aalay niya ang kanyang sarili para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Mali rin aniya ang awayan na kalimitang nangyayari tuwing eleksiyon dahil ang pagtakbo ng mga politiko ay para sa kinabukasan ng mga Pilipino.
Ipinunto pa nito na hindi awayan ng kulay ang eleksiyon kundi away ito laban sa mga suliranin na kinakaharap ng bansa.
BASAHIN: Isko Moreno, planong bumili ng SpaceX satellite internet para sa Maynila