Pagkakaaresto sa high ranking officials ng CPP-NPA-NDF, pinuri ng PNP Chief

Pagkakaaresto sa high ranking officials ng CPP-NPA-NDF, pinuri ng PNP Chief

PINURI ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang mga awtoridad sa pagkakaaresto sa dalawang high ranking officials ng CPP-NPA-NDF, Southern Tagalog Regional Party Committee.

Kinilala ang mga ito na sina Ernesto Lorenzo at Rosita Celino-Serrano na naaresto sa Nayong Pilipino sa Pasay City nitong Lunes.

Si Lorenzo ay mayroong warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention, at attempted murder.

Habang si Celino-Serrano na Regional Education and Propaganda Bureau staff – STRPC at secretary ng Islam Mindoro ay mayroong nakabinbing warrant of arrest para sa murder.

Naniniwala si Carlos na ang pagkakaaresto sa dalawa ay isang mahalagang hakbang sa pagsugpo sa “insurgency” at “lawlessness” habang mabibigyan sila ng pagkakataon sa korte.

BASAHIN: PRRD, nagbabala na delikado kung mahalal ang kandidatong may alyansa sa CPP

Follow SMNI News on Twitter