Israel, nag-aalok ng teknolohiya sa pamamahala ng tubig sa Pilipinas

Israel, nag-aalok ng teknolohiya sa pamamahala ng tubig sa Pilipinas

NAG-aalok ang Israel ng mga makabagong solusyon para tulungan ang Pilipinas na mapabuti ang pamamahala at pag-iingat ng yamang tubig.

Ibinahagi ng Agency for International Development Cooperation ng Israel at ng United States Agency for International Aid sa gobyerno ng Pilipinas at mga lokal na concessionaires ng tubig sa Pilipinas ang kadalubhasaan at karanasan ng Israel sa pamamahala ng yamang tubig.

Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na namuhunan ang Israel sa teknolohiya upang suportahan ang lumalaking pangangailangan at urbanisasyon sa bansa.

Binigyang-diin ng mga kumpanyang Israeli ang inobasyon at teknolohiya ng Israel upang magbigay ng inspirasyon at hikayatin ang sektor ng tubig sa Pilipinas, mga negosyo at mga lokal na yunit ng pamahalaan na mamuhunan sa mga teknolohiyang tutulong sa pamamahala ng tubig nang tuluy-tuloy.

Samantala sinabi ng Israeli Embassy sa Manila na ibinahagi ni National Water Resources Board Director Susan Abano ang mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas habang patuloy na bumababa ang availability ng tubig dahil sa tumataas na demand.

Follow SMNI News on Twitter