NANINIWALA ang Hamas militant group ng Palestine na nilabag ng Israel ang ipinapatupad na ceasefire para sa Gaza War.
Ito’y dahil sa kasalukuyan, pinigilan ng Israel ang daan-daang libong mga Palestinian na makabalik sa kanilang mga tahanan sa North Gaza.
Ang mga ito ay nag-aantay na lang muna na padaanin sila sa Netzarim Corridor.
Sa isang pahayag, sinabi ng Hamas na kinakausap nila ang mga mediator o tagapamagitang mga bansa hinggil dito upang makabalik na sa North Gaza ang mga Palestinian.
Ang mediators ay ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Egypt at Qatar.
Sa panig naman ng Israel, wala pa silang paliwanag hinggil dito.
Nag-umpisa ang ceasefire agreement sa Gaza noong Enero 19.
Follow SMNI News on Rumble