SINABI ng Hamas militant group na hindi nila palalayain ang mga Israeli hostage kung hindi magkakaroon ng pangmatagalang ceasefire sa pagitan nila at ng nabanggit na Jewish country.
Sa pahayag ng Hamas, kondisyon nila ito dahil nakikita nilang tinatangka umanong umatras ng Israel sa kasunduan.
Pinaniniwalaang nasa 24 pa ang buhay na Israeli hostage sa mga kamay ng Hamas.
Kasabay nito ay hawak din ng militant group ang mga labi ng 34 pang katao na maaaring napatay sa unang pag-atake nila noong October 2023 o habang bihag nila.
Mayroon ding mga labi ng isang sundalong napatay sa digmaan noong taong 2014.