Israeli military, aalis na sa Gaza

Israeli military, aalis na sa Gaza

NAGHAHANDA na ang Israeli military na umalis sa Gaza at tapusin na ang mga pag-atake dito.

Hinihikayat na rin nila ang pamahalaan na makipag-ayos na sa pagitan ng Hamas militant group bago pa tuluyang umusbong ang panibagong digmaan sa pagitan ng Hezbollah ng Lebanon.

Ang Hezbollah kung mapapansin ay kakampi ng Hamas ngayong nagpapatuloy ang Gaza war.

Walong buwan na ring nagpapalitan ng mga pag-atake ang Lebanon at Israel dahil dito.

Nauna nang sinabi rin ng Hezbollah na libu-libo sa mga fighter mula sa Iran ang tutungo sa Lebanon para samahan sila laban sa Israel.

Ibinabala rin ng Hezbollah na walang magiging ligtas na lugar sa Israel kung sakaling lalaki pa ang nagsisimula nang digmaan sa pagitan nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble