Italian basketball coach, posibleng makikita na nang personal ang iniidolong si Manny Pacquiao

Italian basketball coach, posibleng makikita na nang personal ang iniidolong si Manny Pacquiao

POSIBLENG magkikita na sina Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao at Italian coach Gianmarco Pozzeco.

Ito’y dahil inaasahang manonood si Pacquiao sa magiging laro ng Gilas Pilipinas kontra Italy ngayong araw, Agosto 29 sa Araneta Coliseum.

Sinabi na ng Italian coach na isa siyang fan ni Pacquiao lalong-lalo na nang nakalaban nito si Floyd Mayweather.

Sa panig ni Pacquiao, fan naman ito ng basketball at sa katunayan ay itinayo nito ang Maharlika Pilipinas Basketball League.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble