Itataas ng pamasahe sa jeep sa PUVMP, nasa P2 lang—OTC

Itataas ng pamasahe sa jeep sa PUVMP, nasa P2 lang—OTC

NASA P2 lang ang magiging dagdag mula sa kasalukuyang pamasahe sakaling ganap nang maipatupad ang PUV Modernization Program (PUVMP).

Hindi totoo na aabot sa P30, P40 o P50 ang magiging pamasahe sa susunod na limang taon ayon kay Office of Transportation Cooperatives (OTC) chairperson Jesus Ortega.

Kung titingnan aniya ay nasa P13 ang bayad sa traditional jeep at nasa P15 lang sa mga moderno nang uri.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na ang basehan ng pagtaas ng pamasahe ay ang pagtaas din ng presyo ng langis at ang magiging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang konsultasyon sa commuters at transport sector kasama na ang National Economic and Development Authority (NEDA).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble