J-Hope ng BTS, sumailalim sa mandatory South Korean Military Service

J-Hope ng BTS, sumailalim sa mandatory South Korean Military Service

SINIMULAN ng BTS star na si J-Hope ang kaniyang mandatoryong serbisyo sa militar sa bansang South Korea.

Ayon sa Yonhap News Agency, sinimulan ng mang-aawit ang kaniyang 5 linggong basic training sa isang army boot camp sa Gangwon Province nitong Martes, Abril 18.

Si J-Hope ang pangalawang miyembro ng award-winning K-pop group na sumabak sa military service kasunod ni Jin.

Nagpahayag naman ng labis na kalungkutan ang fans ni J-Hope ngunit ibinigay naman ang kanilang buong suporta sa singer.

Matatandaan na ang lahat ng kalalakihan ng South Korea na may edad 18 – 28 ay kailangang magsilbi sa militar sa loob ng 18 – 21 buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter