Mga suspek sa Degamo Case, hindi muna iimbitahan sa Senate hearing

Mga suspek sa Degamo Case, hindi muna iimbitahan sa Senate hearing

MULING magkakaroon ng pagdinig ngayong araw ang Senate panel kasunod ng malagim na assassination kay Negros Governor Roel Degamo at sa 8 iba pa noong March 4.

Ayon kay Senator Ronald dela Rosa, ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, marami pang resource persons ang hahayaang mapakikinggan sa komite.

Pagdating naman sa mga suspek sa Degamo Case, malabo pa silang maisalang aniya sa Senate inquiry dahil sa ginagawang imbestigasyon ng Task Force Degamo.

Sa pagdinig araw ng Lunes, napag-alaman na mga dating sundalo at military trainee ang 11 suspek na nasa kustodiya ng pamahalaan.

Saad ng senador, dapat ding matutukan ng AFP ang mga discharge na sundalo na madaling ma-recruit sa mga krimen.

“Dapat yong AFP closely monitor nila,” pahayag ni Senator Ronald dela Rosa.

Sa usapin ng hindi napagbigyang virtual attendance ni suspended Cong. Arnie Teves, nanindigan si Dela Rosa na tama lang ang ginawa ng Senate panel.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na maliban kay Teves ay maari ding mapakinggan ang side ng mga sinasabing witness na tinutukoy ng kongresista basta aniya aattend sila ng pisikal sa pagdinig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter