IKINATUWA ngayon ng mga Pinoy netizen ang bagong endorser ng online shop na walang iba kundi ang sikat na martial artist na si Jackie Chan.
Ito’y dahil sa maliban sa fighting and dancing moves ng Hollywood actor ay nagsalita pa ito ng Filipino sa huling bahagi ng commercial.
Ayon sa Facebook post ng Shopee, mapapanood din si Jackie Chan sa shopping day campaign nito para sa susunod na buwan sa Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia at Brazil.
Baguio City, tuluyan na ngayong ipinatitigil ang lahat ng shooting ng mga pelikula
Samantala, tuluyan na ngayong ipinatitigil ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang lahat ng shooting ng mga pelikula sa kanilang lungsod.
Ito’y matapos ang naging paglabag ng production team na pagmamay-ari ni Arjo Atayde sa ipinatutupad na health protocol ng Baguio.
Matatandaan na nagpositibo ang sampung katao sa naturang production team kasama na si Arjo na hindi nagpaalam sa lokal na pamahalaan nang biglang lumuwas ng Maynila.
Sa ngayon, nanatili pa rin sa quarantine facility ng Baguio City ang siyam nitong kasamahan na nagpositibo sa virus.
https://www.youtube.com/watch?v=B4Ob4njU9vk