Jamal Murray, hindi muna maglalaro sa Canada sa FIBA World Cup

Jamal Murray, hindi muna maglalaro sa Canada sa FIBA World Cup

HINDI muna makapaglalaro para sa Canada sa darating na FIBA World Cup ang Denver Nuggets player na si Jamal Murray matapos ito ma-physically drain sa nakaraang NBA Championship Season.

Sa kaniyang naging pahayag, sinabi ni Murray na bagaman nais nitong irepresenta ang bansang Canada sa World Cup at Olympics pero kinakailangan niyang magpagaling pa.

Isa ang bansang Canada sa 32 bansang lalahok sa darating na FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Samantala, nasa ika-15 puwesto naman ang Canada sa FIBA World Rankings.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble