IKINUKUNSIDERA ng Japan at South Korea ang pagbabalik ng security talks sa pagitan ng foreign at defense ministry officials.
Ang pagbabalik ng security dialogue na huling ginanap noong Marso 2018 ay inaasahang sasang-ayunan ni Prime Minister Fumio Kishida at ng kaniyang South Korean counterpart na si Yoon Suk Yeol.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng pagpayag ng dalawang bansa na resolbahin ang ‘wartime labor compensation dispute’ na nagpalala sa ugnayan nito sa nakalipas na mga taon.
Ang security dialogue ay muling isinusulong sa pag-asa na muling maibabalik ang mutual trust sa pagitan ng dalawang bansa pagdating sa foreign policy at iba pa.
Sa ngayon ay wala pang pinal na araw kung kailan isasagawa ang pagpupulong pero nakatakdang pag-usapan dito ang pagbuo ng data sharing system para sa real time tracking ng ballistic missiles na pinapakawalan ng Pyongyang.