SA kabila ng paulit ulit na pahayag ng Russia na walang dahilan para pumunta ang drone ng Estados Unidos sa Black Sea, inihayag ng defense secretary ng Washington na patuloy itong lilipad saan man payagan ng batas.
“Now, I just got off the phone with my Russian counterpart, Minister Shoigu, and as I’ve said repeatedly, it’s important that great powers be models of transparency and communication.”
“And the United States will continue to fly and to operate wherever international law allows, and it is incumbent upon Russia to operate as military aircraft in a safe and professional manner,” said Sec. Lloyd James Austin III, US Department of Defense.
Ito ang inihayag ni US Department of Defense Sec. Austin matapos na makipag-usap sa kaniya ang Russian counterpart na si Sergei Shoigu sa telepono ukol sa insidente sa Black Sea.
Ayon sa Estados Unidos, ‘reckless’ at ‘unprofessional’ ang insidenteng ito, habang inakusahan naman ng Moscow ang Washington na nag-aamok ng away sa rehiyon.
Ayon naman kay US Joint Chief Chairman Mark Miley, patuloy na inaanalisa ng Pentagon ang video at datos ng drone kung ano ang tunay na nangyari at kinakailangan pa nilang alamin kung sinasadya ba ang insidente na ito o hindi.
Ito ay taliwas sa una nitong pahayag na ang agresibong hakbang ng Russian jet ay sinasadya at unprofessional.
Sa kabilang banda, inihayag ng Russian defense ministry na sinabi ni Shoigu kay Austin na ang insidente ay dahil sa paglabag ng mga Amerikano sa restriksiyon na idineklara ng Russia, sinabi rin umano nito na ang drone flights ng Amerika sa Russian Coast ay malinaw na probokasyon at nagdulot ng tensyon sa Black Sea.
Nilinaw ng Russia na ayaw nitong palakihin ang tensiyon sa rehiyon pero reresponde umano ito sa anumang uri ng probokasyon at sinabi sa Washington na ayusin ang mga galaw nito.
Bukas din umano ang military channel nito para pag-usapan ang anumang krisis.
Matatandaan na ang huling pag-uusap nito Austin at Shoigu ay noong Oktubre pa noong nakaraang taon.
Ayon kay Russian Security Council Secretary Nikolai Patrushev, ang drone incident ay kumpirmasyon na ang Washington ay direktang may kaugnayan sa gulo sa Ukraine sa kabila ng pagtanggi ng mga Amerikano na hindi ito nakikisali sa digmaan.
“Americans keep saying that they are not participating in the hostilities, the drone incident is yet another confirmation that the US are directly involved,” ayon kay Sec. Nikolai Patrushev Russian, Security Council.
Samantala, ayon kay Russian Ambassador to US Anatoly Antonov, ang Russia ay paulit-ulit nang nagbabala sa Washington na huwag pumasok sa rehiyon dahil sa military operation na isinasagawa ng Moscow sa Ukraine.
“The United States doesn’t recognize this status, of course, it’s a contradiction, but does it mean that it’s necessary to provoke the Russian navy or air force on this issue?”
“We have informed about this space that was identified as a zone of the special military operation.”
“We have warned one not to enter, not to penetrate again about this aerial unmanned vehicle, this drone can carry 1,700 kg of explosives, this drone can carry a few bombs.”
“You said, ‘what will be the reaction of the United States if you see such a Russian drone very close, for example, to San Francisco or New York?”
“What will be the reaction of the United States? For me, it is clear, for you as well. The American mass media would show us in a very unpleasant way. What else can I say, dear friends?” saad ni His Excellency Anatoly Antonov Russian Ambassador to the US.
