DINEPENSAHAN ng Japan at South Korea ang mga restriksyon mula sa mga manlalakbay mula sa China isang araw matapos na itigil ng China ang pag-iisyu ng bagong visa sa dalawang bansa bilang ganti sa hakbang na ipinapatupad sa Chinese tourists.
Nanawagan naman si South Korean Foreign Minister Park Jin sa China na dapat ay ilinya ng bansa ang mga hakbang nito sa siyentipiko at objective facts.
Nagpahayag naman ng kritisismo ang Japanese Cabinet Secretary na si Hirokazu Matsuno at sinabing one sided lamang ang restriksyon sa pag-iisyu ng visa sa Japanese nationals dahil wala umano itong kaugnayan sa mga hakbang sa COVID-19.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagbabala ang Foreign Ministry ng China laban sa mga bansa na nag-anunsyo ng bagong testing requirements sa mga manlalakbay mula sa China kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 roon.
Ang South Korea naman tumigil sa pag-iisyu ng short term visa sa mga konsulada sa China hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero.
Ayon sa South Korea Disease Control and Prevention Agency, aabot sa 17% ng higit 2 libong short term travelers mula China ang nagpositibo sa COVID-19.