Japan, babaguhin ang surface-to-air missiles para pigilan ang hypersonic arms

Japan, babaguhin ang surface-to-air missiles para pigilan ang hypersonic arms

BABAGUHIN ng bansang Japan ang pagkagawa sa mga surface-to-air guided missiles nito upang mapigilan ang mga hypersonic glide arms na pinaniniwalaan ng Japan na kasalukuyang binubuo ng mga bansang kagaya ng China at Russia.

Ayon sa senior official ng Japan Self-Defense Force, sa kasalukuyan nilang missiles ay nahihirapan umano silang pigilan o harangan ang anumang hypersonic glide missiles, kaya naman nilalayon ng pamahalaan na sisimulan ng Ground Self-Defense Force ang paggawa ng mga babaguhing Type-03 Intermediate-Range Guided Missiles sa Fiscal 2029 na magsisimula sa buwan ng Abril ng kaparehong taon.

Ang kasalukuyang Type-03 Missiles ay mayroong firing range na 10 kilometro na pinagtibay ng Ground Self-Defense Force taong 2003; una naman itong binago taong 2017 upang kontrahin ang mga cruise missiles na lumilipad sa mababang altitudes at mga paparating na mga fast-moving projectiles.

Dahil na rin sa kinakaharap ngayon na security challenges ng Japan, nangako si Prime Minister Fumio Kishida na sisimulan nito ang pagpapalakas ng defense capabilities ng bansa na may kaukulang sapat na budget.

Follow SMNI NEWS in Twitter