MAGPAPATUPAD ng upgrade ang Japan ang J-Alert Early Warning System nito sa susunod na summer matapos mag-malfunction noong Oktubre nang maglunsad ng ballistic missile ang North Korea.
Upang mas mabilis na makapag-isyu ng mas mabilis na alert, palalawakin pa ang mga lugar na makatatanggap ng alert sa ilalim ng bagong system patungo sa kalapit na prefectures nito.
Sa kasalukuyan, ang gobyerno ay nag-iisyu ng alert sa mga prefecture base sa posibleng strike location matapos makita ang landing point nito.
Sa ilalim naman ng bagong system, ang mga prefecture ay iaalerto isang minuto na mas mabilis kumpara noong Oktubre.
Matapos ang paglulunsad ng North Korea noong Oktubre 4, ang J-Alert ay aksidenteng nakapag-isyu ng alerto sa island towns at villages ng Tokyo bago pa nag-alerto sa Aomori Prefecture.