Japan, magtatayo ng depots bilang lagayan ng mga bagong missile

Japan, magtatayo ng depots bilang lagayan ng mga bagong missile

MAGTATAYO ang Japan ng 4 na major ammunition depots sa self-defense forces facilities sa Oita at Aomori Prefectures bilang storage sites ng long range missiles ng bansa.

Ang konstruksyon sa 2 sites ay magsisimula sa Fiscal 2023 sa Abril at ang gobyerno ay maglulunsad ng survey sa fiscal year para sa 6 pang malalaking depots para sa multiple SDF facilities sa Japan.

Ang Ground Self-Defense Forces Vice Camp Oita sa Southwestern Japan at ang Maritime Self-Defense Forces Ominato District Headquarters sa Mutsu sa Aomori Prefecture ay parehong magkakaroon ng 2 malalaking depots.

Kaugnay rito, naglaan na ang Defense Ministry ng higit 5 bilyong yen sa draft ng Fiscal 2023 Budget para dito.

Ang pagpapalakas ng depensa at pagkakaroon ng ammunition depots ay kasunod ng desisyon ni Prime Minister Fumio Kishida noong Disyembre na magkaroon ng enemy base strike capabilities para sa posibleng pag-atake sa bansa.

Samantala, magdedevelop din ang bansa ng high-speed glide weapon para depensahan ang pinag-aagawang isla sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter