MAGTATAYO ng evacuation shelter sa isolated islands ng Okinawa ang gobyerno ng Japan.
Ikinukunsidera ng Japan ang pagtatayo ng evacuation shelter para sa mga residente nito sa remote island ng Okinawa.
Ang pangangailangan sa nasabing pasilidad ay kasunod ng pagpapalawak ng Japan Self-Defense Forces ng deployment scale sa remote island ng Okinawa Prefecture.
Ayon sa gobyerno kinakailangang magkaroon ng lugar ang mga militar dahil walang ganitong pasilidad sa mga islang ito.
Ang nasabing remote islands ay matatagpuan 110 kilometro mula sa Taiwan.
Matatandaan na patuloy na lumalago ang tensyon sa Taiwan kasunod nga ng naging pagbisita ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi noong buwan ng Agosto.