SINIMULAN na ng operator ng Fukushima Daiichi nuclear power plant ang ikaapat na yugto na pagpapakawala ng naprosesong wastewater sa karagatan.
Ito na ang pinakahuling water discharge na isasagawa ng planta para sa fiscal year 2023 na magtatapos sa buwan ng Marso.
Sa nakalipas na pagpapakawala na pinangunahan ng Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. Ang tinatayang napakawalang tubig sa loob ng labimpitong araw ay umabot sa pitong libo at walundaan.
Siniguro naman ng mga ito na naabot ng huling yugto ng water discharge ang standard sa kalinisan ng tubig na itinalaga ng gobyerno.
Simula sa yugtong ito, ang operator ay pansamantalang ilalagat ang wastewater sa malaking tangke upang malaman ang tritium level ng tubig bago ito pakawalan sa karagatan.
Matatandaan na ang China na mariing tinutulan ang water release na ito ay nagpatupad ng ban sa Japanese seafood imports mula nang unang pagpapakawala noong buwan ng Agosto.