NASA 7,688 ang naitala ng Japan na namatay mula sa COVID-19 noong Disyembre na lumagpas sa naunang buwan nito na 7,329 sa kalagitnaan ng naunang wave.
Higit na tumaas ang death toll simula Nobyembre matapos na magsimula ang ikawalong wave ng virus sa bansa.
Ayon sa Kyodo News Daily, umabot sa 428 ang mga namamatay sa isang araw.
Bagaman bumaba na ang severity rate sa Omicron strain ng Coronavirus, mas higit namang tumaas ang transmissability nito na nangangahulugan ng mas madaming bilang ng impeksyon.