NAPILI ng mga residente ng Japan ang kanji character para sa ‘digmaan’ na maging simbolo na lumalarawan sa taong 2022.
Ang character na ito na napili sa pamamagitan ng boto ng publiko ay sumasalamin sa sentimyento ng Japan ukol sa estado ng mundo, mababang value ng yen at mataas na halaga ng pamumuhay sa bansa.
Ito ay ayon sa Japan Kanji Aptitude Testing Foundation.
Ayon sa foundation, ang kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ang pamamaril kay dating Prime Minister Shinzo Abe at pagbaba ng halaga ng yen ay mayroong impact sa mental health ng mga Japanese.
Ang karakter na ito na karaniwang binabanggit bilang “sen” sa mga salita na “senso” na ang ibig sabihin ay digmaan at “ikusa” na kahulugan naman ay tunggalian.
Ang napiling karakter ngayon ay kabaliktaran ng nakaraang taon kung saan karamihan ng karakter ay may kaugnayan sa Tokyo Summer Games na hinost ng bansa sa gitna ng pandemya.