Japan, opisyal nang sasali sa susunod na Balikatan Exercises 2025

Japan, opisyal nang sasali sa susunod na Balikatan Exercises 2025

HINDI na lang magiging observer ang partisipasyon ng bansang Japan sa susunod na Balikatan Exercises sa 2025.

Ito ang kinumpirma ni Balikatan Executive Agent Col. Michael Logico, sa panayam ng media sa Camp Aguinaldo.

Aniya, may malaking papel na gagampanan ang Japan Self-Defense Force sa Balikatan 2025 ngunit pag-aaralan pa ito sa susunod na concept development conference sa darating na buwan ng Hunyo.

Paglilinaw ni Logico, kakulangan ng oras sa preparasyon ang dahilan kung bakit hindi agad napadalhan ng imbitasyon ang Japan.

Sa ngayon, tuloy na ang pagbubukas ng Balikatan 2024 sa Mayo na lalahukan sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia, at France para sa ilang partikular na aktibidad.

Sa kabuuan, mayroon tinatayang 14 na mga bansa na magsisilbing observers kasama ang Japan at ilang ahensiya ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble