Japanese Ambassador, nag-courtesy call sa DOJ at tinalakay ang ilang mahahalagang usapin

Japanese Ambassador, nag-courtesy call sa DOJ at tinalakay ang ilang mahahalagang usapin

PERSONAL na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at nakipagpulong kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Sinabi ni Remulla na pangunahing tinalakay nila ang ukol sa mga kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa Immigration at ang exchange of nationals.

Kabilang din sa kanilang pinag-usapan ang pagpigil sa human trafficking at mga pugante.

Natalakay rin aniya ang mga cooperation agreement ng dalawang bansa kaugnay sa sektor ng enerhiya.

Kinilala naman ni Remulla ang Japan bilang isa sa mga pinakamahalagang trading partner ng ating bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter