Japanese billionaire, naghahanap ng kasama para sa ‘trip around the moon’

NAGLUNSAD ang isang Japanese billionaire na si Yusaku Maezawa ng isang kampanya upang maghanap ng walo katao na sasama sa kanya bilang mga unang pasahero sa ‘trip around the moon’ lulan ng SpaceX ni Elon Musk.

Una nang nagplano si Maezawa na mag-imbita ng mga artist para sa isang linggong paglalakbay na mangyayari sa taong 2023.

Ang unang yugto ng selectin process ay magsisimula sa Marso 14.

Kailangan ang mga aplikante ay papasa sa medical checks at sa panayam ni Maezawa.

Aakuin ng Japanese billionaire ang lahat ng gasto sa paglalakbay lulan ng next-generation reusable launch vehicle ng SpaceX.

“I thought there might be delays but everything is on schedule,” ayon kay Maezawa.

Kumpiyansa naman si Maezawa na walang maging problema sa kanilang paglalakbay sa kabila na sumabog kamakailan lang ang dalawang Starship prototype nang i-testing ang mga ito.

“Elon Musk says there is no problem and I believe him,” ayon kay Maezawa.

Sa kasalukuyan ay inihanda na ng Japanese billionaire ang kanyang sarili sa nasabing trip around the moon.

“I’m only preparing mentally,” ayon pa sa fashion guru.

Magiging highlight umano sa trip ang sight seeing sa ‘whole Earth’ at ang ilang bahagi ng buwan.

Si Maezawa ay dating may-ari ng online fashion business na Zozo Inc na kanyang ibinenta sa SoftBank noong 2019.

SMNI NEWS