LRT2 East Extension, sisimulan na ang operasyon sa Abril 27, 2021. Mag-ooperate na ang karagdagang Istasyon ng Light Rail Transit o LRT-2 ngayong Abril. Mas madaliang sakayan para sa mga Rail Commuters sa silangang bahagi ng Maynila na kung saan dalawang istaston ang naidagdag.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Transportation (DOTR) na sisimulan na ng LRT2 East Extension Project ang pagserve sa mga commuter sa Abril 27, 2021.
“In less than two months po, mag-ooperate na po ‘yung ating dalawang bagong istasyon,” ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera sa online media briefing.
Mula Enero 31, 2021, ang LRT2 East Extension Project ay 93.42 % kompleto na.
Ang dalawang bagong istasyon ay magbibigay serbisyo sa mga commuters mula Recto sa Maynila hanggang sa Masinag, Antipolo at pabalik.
“Ongoing po ngayon ‘yan at pina-fast track na po natin ‘yung trabaho natin diyan para matupad po natin ‘yung target na April 26 inauguration,”ani Cabrera.