Japanese content creator lalakarin ang Metro Manila patungo sa Davao

Japanese content creator lalakarin ang Metro Manila patungo sa Davao

NASA Pilipinas na ang sikat na Japanese content creator at adventurer na si Gump Suzuki.

Kilala si Suzuki sa kaniyang mga content sa social media, na nagpapakita ng kaniyang paglalakbay sa iba’t ibang bansa gamit lamang ang kaniyang sariling lakas, habang hila-hila ang rickshaw.

Ang huli niyang paglalakbay ay mula Kenya patungong South Africa, na umaabot sa 6,000 kilometro ang layo.

Ngayon, lalakarin naman ni Suzuki—hila-hila ang kaniyang rickshaw—ang ruta mula Manila, bilang unang destinasyon, patungong Davao City bilang kaniyang huling destinasyon.

“I’m going to Davao from here just by my feet. That’s why I’m very excited to go to Davao from here because Philippines has many islands,” ayon kay Gump Suzuki, Japanese Content Creator.

“Sometimes I think I will used maybe boat to go to next place that’s why it’s very interesting. It’s my first experience crossing islands,” aniya.

Isa sa mga inaabangan ni Suzuki sa kanyang paglalakbay ay ang pakikipagsalamuha sa mga lokal at pagtuklas ng kanilang mga tradisyon.

“Just want to go to local place and to make friends. Just wanna study the Philippine culture,” aniya.

Kasama sa itinerary ni Suzuki ang Laguna, Bicol, Masbate, Cebu, at Cagayan de Oro.

Tumitimbang naman ng higit sa isang daang kilo ang kanyang rickshaw.

Susuot din ni Suzuki ang isang bersyon ng tradisyunal na medyas na “tabi” sa kanyang paglalakbay.

Para sa Department of Tourism, malaking bagay ang presensiya ni Suzuki sa bansa upang mas makaengganyo ng mga dayuhang turista, lalo na ang mga Hapones.

“We know naman no na Gump Suzuki is a well-known personality in Japan as he has been in several countries around the world. This is very important to us that the team considered the Philippines for their next journey.”

“This is an opportunity for us to showcase not only the sites and attractions but also the friendly and happy people here in the Philippines,” wika ni Catherine Agustin, Asst. Regional Director, DOT-NCR.

Ang Japan ay isa sa mga top 5 na merkado ng Pilipinas pagdating sa dami ng turista noong 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble