NAKALABAS na ng bilangguan ang beteranong brodkaster na si Jay Sonza nitong Martes ng gabi.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa pahayag, sinabi ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na ang pagpapalaya kay Sonza ay dahil sa pansamantalang pagbasura sa kaso nito na syndicates estafa at large-scale illegal recruitment charges ng Quezon City Regional Trial Court Branch 100 at Quezon City Regional Trial Court Branch 215.
Nakatanggap ang BJMP ng release order mula sa parehong korte sa 11 counts ng kasong estafa matapos magpiyansa si Sonza sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77.
Hulyo 18, nang harangin at inaresto si Sonza sa pamamagitan ng warrant arrest.