Jayda Avanzado, ibinahagi ang first investment ngayong 2024

Jayda Avanzado, ibinahagi ang first investment ngayong 2024

IBINAHAGI ng singer na si Jayda Avanzado ang kaniyang first investment ngayong 2024.

Batay sa social media post ng anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, isang condo unit ang kaniyang itinuring na ‘first big girl purchase & investment of 2024’.

Dagdag pa rito, marami pang trabaho ang gagawin dito pero ito na aniya ang simula.

Proud naman ang mag-asawang Dingdong at Jessa sa achievement ng anak kasabay ng mensaheng patuloy itong magsusumikap at mag-iipon.

Matatandaan na noong 2023 lang ang acting debut ni Jayda sa TV series na Teen Clash.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble