Kauna-unahang RORE ng 2024 sa West PH Sea, matagumpay

Kauna-unahang RORE ng 2024 sa West PH Sea, matagumpay

MATAGUMPAY na naisagawa ang kauna-unahang rotation at resupply mission (RORE) ngayong taon ng pamahalaan sa mga sundalong nakahimpil sa ilang isla sa West Philippine Sea.

Ilan sa matagumpay na napuntahan ng grupo ang Kalayaan Group of Islands, partikular na sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Island.

Nagsimulang naglayag ang grupo noong Enero 3, 2024 at nagtapos nitong araw ng Martes, Enero 9, 2024.

Katuwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan ng BG Philippine Coast Guard at ilang tauhan ng PNP Maritime Group.

Kinumpirma naman ng militar ang pag-shadow ng Chinese Coast Guard sa lugar bagamat wala namang naranasang delikadong hakbang ang mga ito laban sa mga barko ng Pilipinas.

Ayon sa Coast Guard District Palawan Commander, CG Captain Dennis Labay, hakbang ito ng pamahalaan para pasalamatan ang nga sundalong nakaistasyon dito sa patuloy na pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas.

“We fully understand that it is part of their job, we also want to lift their morale by allowing them to see their families after performing their duties for the nation. Then they will prepare and be ready to be deployed again,” saad pa ni CG Captain Labay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter