IBINIDA sa Cannes Film Festival ngayon sa unang pagkakataon ang isang Afghanistan documentary na ginawa ng aktres na si Jennifer Lawrence at ng producer na si Justine Ciarrocchi.
Inspirasyon ng dalawa ang pagsakop ng teroristang grupong mga Taliban sa Afghanistan noong 2021.
Sentro sa documentary na may pamagat na “Bread and Roses” ang pagkawala ng karapatan ng mga kababaihan sa bansa sa ilalim ng Taliban.
Kaugnay rito, tiniyak ni Ciarrocchi na ligtas ang lahat ng staff at camera crews sa pagsasagawa ng nabanggit na documentary.
Katuwang nina Lawrence ang director na si Sahra Mani.
Si Mani ay naging director din ng 2019 documentary na “A Thousand Girls Like Me” na tumatalakay sa buhay ng isang naabusong babae at naghahanap ng hustisya.