MAGLALARO muli sa ring ang dating IBF Junior Bantamweight Champion na si Jerwin Ancajas ngayong buwan.
Nakatakda itong isagawa sa June 24 batay sa anunsiyo ng MP Promotions subalit hindi pa isiniwalat kung sino ang magiging katunggali nito.
Ang kaniyang boxing match ay isang undercard ng Fernando Martinez-Jade Bornea fight.
Sinabi na ni Joven Jimenez na mas kondisyon na ngayon si Ancajas at handang-handa nang makipaglaban.