JMCFI, nakatakdang mag-host sa Philippine Int’l Mathematical Olympiad 2023

JMCFI, nakatakdang mag-host sa Philippine Int’l Mathematical Olympiad 2023

MAGTATAGISAN ng galing sa Mathematics ang mga estudyante mula sa iba’t ibang bansa sa gaganaping Philippine International Mathematical Olympiad (PHIMO) sa Davao City na magsisimula bukas Setyembre 22.

Napili ang Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang host sa gaganaping PHIMO.

Nasa 1,128 na estudyante mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 mula sa iba’t ibang bansa ang lalahok sa kompetisyon.

Kabilang dito ang Pilipinas, Iran, Cambodia, Australia, Vietnam, Myanmar, Thailand, Malaysia, Japan, at Vietnam.

Walong JMarian naman ang matagumpay na lalahok sa kompetisyon.

“They are the chosen students from schools, the go to hit round…representative for the final round,” ayon kay Engr. Karen Sy, Motli President.

“It aims to engage all students all over the world..golden trophy,” saad ni Aileen Y. Ganancial, JD, Motli Managing Director.

Nakatakdang mag-host ang JMCFI noong 2020 sa PHIMO ngunit naantala ito dahil sa pandemya.

Ibinahagi naman ni PHIMO chief Examiner Dr. Exquil Bryan P. Aron na napili nila ang Davao City at JMCFI bilang venue dahil nais nila i-showcase ang siyudad, na tahanan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Malaki naman ang pasasalamat ng JMCFI sa founding President nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa suporta nito sa nasabing kompetisyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter