ISANG joint market inspection ang isasagawa sa Agora Market sa San Juan City ngayong araw, Pebrero 21.
Sa pangunguna ng San Juan City Government, Metro Manila Development Authority, Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture, ang nasabing inspeksyon ay nirequest ni Mayor Franciz Zamora para matiyak na sumusunod ang mga vendor sa Suggested Retail Price (SRP) na itinakda ng mga awtoridad.
Kasali rin sa inspeksyon sina MMDA Chairman Romando Artes, DTI Asec. Ann Claire Cabochan at DA Asec. Kristine Evangelista.
Ang mga vendor na mapatutunayang nagbebenta ng sobrang presyo ay papatawan ng parusa sa ilalim ng City Ordinance 32, series of 2008 o ang Ordinance Creating the Local Price Control Coordinating Council.
Ang mga unang paglabag ay pagmumultahin ng P2,000, ang mga 2nd time na lalabag ay pagmumultahin ng P3,000, ang mga 3rd time na lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 at ang kanilang mga permit ay babawiin.