Lahat ng mga barangay sa San Juan City, drug-cleared na –PDEA

Lahat ng mga barangay sa San Juan City, drug-cleared na –PDEA

DRUG-cleared na ang lahat ng 21 barangay sa lungsod ng San Juan.

Ito ang inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes matapos ang deliberasyon noong December 14, 2022 na nagdedeklara sa huling tatlong barangay bilang drug-cleared.

Ayon sa PDEA, ang mga naturang barangay ay ang West Crame, San Perfecto, at Batis.

Dahil dito, nakamit ng San Juan ang pagiging kauna-unahang local government unit sa Metro Manila na 100 percent “drug-cleared” ang mga barangay.

Follow SMNI NEWS in Twitter