TINALAKAY ng Philippine Navy at United States Navy ang pagpapalakas ng kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng joint operations and maritime exercises.
Ito ay kasunod ng pulong nina Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Torribio Adaci Jr. at US Navy Chief of Naval Operations Admiral Mike Gilday sa Philippine Navy Headquarters sa lungsod ng Maynila.
Binigyang-diin ni Adaci ang patuloy na pakikipagtulungan ng Philippine Navy sa US counterparts para mapahusay ang kanilang pwersa.
Pinasalamatan din ni Adaci ang pagtanggap sa Philippine Navy personnel sa iba’t ibang naval schools sa Amerika.
Ang pagbisita ni Gilday ay kasunod ng bilateral dialogues ng Philippine Fleet kasama ang US 7th Fleet, at ang Philippine Marine Corps kasama ang US Marine Corps Forces Pacific.