6.2 km bypass road sa Nueva Vizcaya, bukas na –DPWH

6.2 km bypass road sa Nueva Vizcaya, bukas na –DPWH

BINUKSAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ₱ 470.11 million Solano-Bayombong Bypass Road sa Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ni Regional Director Reynaldo Alconcel kay Secretary Manuel Bonoan, ang 6.202 kilometro na Solano-Bayombong Bypass Road ay may 4 lanes at itinuturing na ngayon bilang pinakamahabang bypass road sa Cagayan Valley Region.

Ayon sa DPWH, ang bagong alternate highway ay may traffic signal system, light posts, lay-by areas, sidewalks, bicycle at pedestrian lane, at inaasahang mabebenepisyuhan ang nasa 10,000 biyahero kada araw.

Sinabi ng DPWH na ang bagong bypass road ay magdadala ng kaginhawaan sa pagbabiyahe ng agricultural at commercial products sa mga pangunahing economic hubs.

Lilikha rin ito ng mga oportunidad para sa industrial development na magbibigay ng trabaho at pagkukunan ng kabuhayan para sa mga lokal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter