NAKASUNGKIT muli ng gold medal si Juliana Gomez.
Mula ito sa West Java Fencing Challenge 2022 kamakailan na ginanap sa Bogor, Indonesia.
Noong nakaraang buwan lang ay nanalo na rin si Juliana mula sa Air Force Open Fencing Championship sa Bangkok, Thailand.
Sa Instagram post ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez, ipinaabot nito ang pagiging proud sa kanyang anak na si Juliana dahil sa karangalan na dala nito para sa bansa.
Ang event sa Indonesia ang panghuling fencing competition na sasalihan ni Juliana sa taong 2022.
Si Juliana ay anak nina Richard Gomez at Ormoc City, Leyte Mayor Lucy Torres.