ANG kaalaman at experience ni Vice President Sara Duterte sa pamumuno ang pangunahing dahilan kung bakit siya binoto ng taumbayan ayon sa PUBLiCUS ASIA.
Batay sa ikatlong quarter ng PAHAYAG 2022, 35% ang nagsasabing binoto nila si Duterte dahil sa kaalaman at experience nito.
29% naman ang nagsasabi na gagawin ni Duterte ang kaniyang trabaho nang maayos at 27% ang nagsasabing may nagawa na ito at may gagawin pa.
26% naman ang nagsasabi na kaya nila napili si Duterte dahil siya ay mapagkakatiwalaan at 26% din ang nagsasabing hindi siya korap.
Samantala, taliwas sa sinasabi ng iba, nasa 8% lang ang nagsasabi na kaya nila binoto si VP Sara dahil anak siya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.