Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, dapat managot sa alegasyon vs PH Army—Pastor ACQ

Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, dapat managot sa alegasyon vs PH Army—Pastor ACQ

HINDI lamang suspensiyon, kundi kasong kriminal ang dapat harapin ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel.

Ito ang pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa malisyosong pahayag ni Raoul Manuel laban sa Philippine Army hinggil sa umano’y paghahanda nito sa aerial bombing.

Matatandaan na sa isang pahayag, sinabi ni Manuel na sapilitang inilipat ang mga residente sa Montalban, Rizal bilang paghahanda sa aerial bombardment sa komunidad.

Ani Pastor, ang pahayag na ito ay pananakot at labag sa batas.

 “He should not only face suspension, He should face a criminal case because that is against the law. What he said ‘yung pananakot eh san mo gawin ‘yan may bomba diyan puputok ‘yan, tapos hindi naman pala totoo, mabibilango ka ‘di ba?” sabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Mababatid na nakasaad sa Anti-Bomb Joke Law (Presidential Decree 1727) na ang pagpapakalat ng maling impormasyon o anumang pagbabanta tungkol sa bomba o pampasabog ay may kahatulang parusa na pagkakakulong ng hindi hihigit sa 5 taon o hindi hihigit sa P40,000 na multa.

Pastor Apollo, binatikos si Raoul Manuel kaugnay sa implementasyon ng ROTC

Samantala, pinasaringan naman ng butihing Pastor ang pagkwestiyon ni Kabataan Party-list Raoul Manuel sa isinagawang survey kamakailan ng Pulse Asia kung saan  lumalabas na majority ng mga Pilipino ay pabor sa implementasyon ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa lahat ng college students.

“The Filipino people have spoken Raoul Manuel, huwag ka nang magreklamo diyan. Mahina ang negative na respondent nito na si Raoul Manuel. Mahina ang argumento mo. Mas mahal ng mga magulang at mahal ng taumbayan na ang ating kabataan ay pumasok sa ROTC for discipline and love of country. The opposite of that is undiscipline and not love of country. Ibig sabihin, magiging NPA kayo imbes na maging sundalo kayo ng bayan. Kaya talo ka Raoul Manuel. Mag-TikTok ka na lang,” saad ni Pastor Apollo.

Samantala, lumabas sa naturang survey na 78% ng Filipino adults ay nais ibalik ang ROTC.

Follow SMNI NEWS in Twitter