Kadiwa ng Pangulo outlets, nais ni PBBM na maitayo sa buong bansa

Kadiwa ng Pangulo outlets, nais ni PBBM na maitayo sa buong bansa

PAPALAGANAPIN sa buong bansa ang Kadiwa ng Pangulo outlets.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nakatutulong ito sa mga maliliit na negosyo at producers na makabangon mula sa pandemya kasabay ang pagbibigay ng abot-kayang bilihin para sa publiko.

Sa huling tala ayon kay Pangulong Marcos, aabot na sa 500 ang Kadiwa stores.

Nagpapasalamat din si Pangulong Marcos sa Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at iba pa sa pakikiisa ng mga ito para maitayo ang Kadiwa stores.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter