PINATUTSADAHAN ng isang political vlogger, ang kagamitang pandigma ng Estados Unidos sa Pilipinas. Aniya, pinalala nito ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
“He promised continuity of former PRRD independent policy, but after his first visit sometime in September 2022 to America, suddenly he made an about face a complete turn to his promised and then eventually the sudden addition four more EDCA bases,” pahayag ni EB Jugalbot, Political Vlogger.
‘Di na bago para sa iilan ang naturang pahayag ni EB Jugalbot, isang political vlogger, sa usaping biglaang pagbabago ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang mga pangakong ipagpapatuloy ang mga magagandang polisiya ng nakaraang Duterte administration, lalo na sa usaping independent foreign policy na ‘friends to all enemies to none’.
Sa mga pahayag kasi ngayon ni Marcos Jr., imbes na magkaroon ng diplomasya ay tila palaban pa ang mga naging pahayag nito sa China pagdating sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.
Bukod naman sa mga pahayag ni Pangulong Marcos, sinabi ni Jugalbot na pinalalala rin ng mga kagamitang pandigma ng Amerika dito sa bansa ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
“We have B-52 Stratofortress bombers patrolling with our Philippine Air Force jets and airspace in the South China Sea near Taiwan and Americans have actually admitted deploying typhoon weapon system to undisclosed locations in Luzon, typhoon class weapon systems actually intermediate range missiles system that nuclear capable they are able to launch tomahawk missiles and are future proof for the upcoming hypersonic missiles of the Americans” ayon pa kay Jugalbot.
Sa kabilang banda, kinuwestiyon naman ni Atty. Marlon Bosantog, national coordinator ng IPRA Center ang magiging kalagayan ng Pilipinas sakaling mauwi sa digmaan ang tensiyon sa WPS.
Sa paghahatid pa lang kasi ng suplay sa puwersa ng militar sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, ay tila napapahiya na umano tayo.
“Pero kasi ang nakakatawa at nakakahiya para sa atin pag airdrop pa lang ng pagkain inaagaw sa ‘tin, how we be believable, hindi ba tayo tinatawanan ng neighbors ng buong mundo na ‘yan na ang Pilipinas sa kanya nanggagaling ang lakas para ipaglaban ang West Philippine Sea, kinakalaban ang isang malaking nation pagdating sa airdrop pa lang water cannon napapahiya tayo,” saad ni Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator, IPRA Center.
Sinabi naman ni Bosantog na hindi pa huli ang lahat para sa usaping pangkapayapaan kung ang problema lamang ay patungol sa karapatan ng ating bansa sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Aniya, maging ang Vietnam, Malaysia, Indonesia at Taiwan ay may karapatan at ginawaran din ng traditional fishing rights sa South China Sea.