Kai ng EXO, inilabas na ang 3rd solo EP “Rover”

Kai ng EXO, inilabas na ang 3rd solo EP “Rover”

INILABAS na ni Kai na miyembro ng K-pop boy band na EXO ang ikatlong extended play nitong “Rover” upang markahan ang kaniyang comeback.

Ayon kay Kai, ang “Rover” na may anim na kanta at lead single din na may kaparehong title ay kuwento ng kaniyang sarili na ‘Free-Spirited Wanderer.’

Bukod sa Rover, mapapakinggan sa album ang “Bomba” na may Reggaeton genre at Carribean rythms, “Black Mirror”, “Slidin”, “Say You Love Me” at “Sinner.”

Si Kai ay sumikat bilang main dancer ng EXO sa ilalim ng SM Entertainment at ito ang itinuturing na isa sa biggest boy band sa buong mundo hanggang sa ngayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter