Kai Sotto, makapaglalaro sa 2023 NBA Summer League ngayong Hulyo

Kai Sotto, makapaglalaro sa 2023 NBA Summer League ngayong Hulyo

MAKAPAGLALARO para sa 2023 NBA Summer League si Pinoy Basketball Sensation Kai Sotto.

Kasunod ito sa kaniyang naging basketball stint sa 2022-2023 Japan B. League kasama ang Hiroshima Dragonflies.

Gaganapin ang NBA Summer League ngayong July 7 – 17, 2023 sa Las Vegas, Nevada.

Maliban sa NBA Summer League, ninanais din ni Sotto na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA World Cup sa August 25 hanggang September 10.

Samantala, hinggil sa Japan B. League, maglalaro pa rin sa Dragonflies si Sotto para sa 2023-2024 Edition.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter