Kalayaan ni FPRRD ipinanawagan sa ika-127 Araw ng Kalayaan sa Davao City

Kalayaan ni FPRRD ipinanawagan sa ika-127 Araw ng Kalayaan sa Davao City

ANG selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay isinagawa ngayong araw sa Pambansang Bantayog ni Jose Rizal sa Davao City.

Dumalo rito ang mga opisyal ng pamahalaan, mga beterano, mga kawani, at karaniwang Dabawenyo upang magbigay-pugay sa mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa.

Ngunit sa likod ng makasaysayang pagdiriwang, bitbit din ng mga Dabawenyo ang panawagan para sa kalayaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ngayon ay nasa International Criminal Court (ICC) Detention Facility sa The Hague, Netherlands.

Dumalo si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa nasabing pagtitipon at nagbigay ng kaniyang mensahe.

“Well nandoon na ‘yung kaso niya no, sana mabilis lang ‘yung disposisyon ng kanyang kaso. And, we are optimistic na makauwi na rin si Tatay Digong. Ang dasal natin ngayon ay bigyan siya ng Panginoon ng magandang kalusugan para kayanin niya ngayon ‘yung mga kinakaharap na problema,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nagpaabot din ng pahayag ng suporta ang mga nanalong Duterte sa 2025 midterm elections—sina 1st District Representative Paolo Duterte, 2nd District Representative Omar Duterte, at Councilor Rodrigo “Rigo” Duterte II.

Sa iisang panawagan, ipinahayag nilang patuloy nilang ipaglalaban ang kalayaan at hustisya para kay dating Pangulong Duterte, na kanilang kinikilalang tapat na naglingkod sa bayan.

Ang panawagang ito ay hindi lamang ng mga Dabawenyo kundi ng lahat ng mga nakaranas ng kawalang hustisya at nagnanais ng TUNAY na Kalayaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble