Kalidad ng edukasyon sa bansa, tututukan ni VP Duterte

Kalidad ng edukasyon sa bansa, tututukan ni VP Duterte

TUTUTUKAN ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang pagpapataas ng antas at kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kabilang na rito ang pagprotekta sa mga mag-aaral at mga kawani ng DepEd mula sa lahat ng uri ng banta at pang-aabuso.

Ayon pa kay VP Duterte, napakahalagang pagtuunan ng pansin ang pagtugon sa mga mahahalagang isyu ukol sa presyo ng mga bilihin na nakaaapekto sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter