BINUKSAN sa Kamara ang isang prayer room na maaring gamitin ng mga Muslim members, employees at guests ngayong buwan ng Ramadan.
Simula march 21 hanggang sa pagtatapos ng susunod na buwan magiging available ang conference room 6 ng Ramon V. Mitra Building bilang Muslim prayer room.
Si Maguindanao at Cotabato City First District Rep. Bai Dimple Mastura ang nagsagawa ng request na ito kay House Speaker Martin Romualdez.
Para naman kay Speaker Romualdez, umaasa siyang magsisilbi itong mensahe sa mga Pilipinong Muslim na nirerespeto ng Kamara ang lahat na uri ng paniniwala o relihiyon.