INAPRUBAHAN ng Kamara ang pagbuo ng technical working group (TWG) para reviewhin at balangkasin ang panukalang batas na siyang bubura sa utang ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Layon ng binuong working group na i-consolidate at 9 na panukalang batas na nakahain sa Kamara para tulungan ang mga magsasaka na may utang sa ilalim ng Comprehensive Reform Law of 1988.
Si House Committee on Agrarian Reform Chairman at Ifugao Rep. Solomon Chungalao ang nag-apruba para sa TWG.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kongreso sa nagdaang SONA nito ngayong taon na magpasa ng panukala na lilinis sa agricultural loans ng mga magsasaka.
Sa pagtaya ng Marcos administration, mahigit sa P58-B na utang ang malilinis at 645,000 na agrarian reform beneficiaries ang matutulungan.