Kamara, pinapopondohan ang new COMELEC building sa 2023

Kamara, pinapopondohan ang new COMELEC building sa 2023

ISINUSULONG ngayon ng Kamara na mapondohan ang new COMELEC building sa ilalim ng 2023 proposed national budget.

Kasama ito sa constitutional ammendments na ginawa ng Kamara bago ipasa sa Senado ang pinal na bersyon ng Mababang Kapulungan ng 2023 General Appropriations Bill.

Nauna nang sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na mahalaga na magkaroon ng bagong building.

Sa Pasay City itatayo ang bagong building ng COMELEC sa loob ng dalawang ektaryang lupain.

Balak ng COMELEC na magtayo ng 9-story building kung saan ilalagay ang warehouse, training facilities, event venues at dormitory para sa mga empleyado ng poll body.

Matatandaan na hindi agad napondohan ang new COMELEC building sa unang bahagi ng budget process at isiningit ang budgetary provision sa proyekto batay sa direktiba ng liderato ng Kamara.

Follow SMNI NEWS in Twitter